Sandaling Kalinga
Apoy, nagdirikit, nagniningas
Pumapaso sa nanlalamig na mga kalamnan
Animo’y sinat, tumuloy sa lagnat
Hanggang lumagablab ang pinagniig na ningas
Nagbigay liwanag sa madilim na magdamag
Tumambad sa paligid mga kulay na nagkukubli
Umawit ang mga anghel, sumayaw ang mga diwata
Sa paligid ng kambal na apoy na kahali-halina
Unti-unting humupa ng matupok ang gatong
Muling nagkubli mga kulay sa dilim
Namaos ang mga anghel, napagod ang mga diwata
Ang kanina’y apoy, ngayo’y nauupos na baga
Muling bumalot ang lamig sa paligid
Habang ang baga ay nawalan na ng init
Ang natupok na apoy, abo ang nalabi
Ikinalat ng hangin sa mahaba pang gabi.
NR-02021995
7 comments:
wow, ikaw ba mismo gumawa nyan? ganda naman.
Yes. Original po.
Maraming salamat sa pagdalaw.
oo mahilig kasi ako sa tula dimo naitatanong akoy isinilang sa katagalugan sa bayan ni Balagtas lolz dangan nga lamang ay di ako pinalad na maging isang manunula.
Kay sarap basahin ng mga taludtod
tela iniuugoy ng mga salita
Kay gandang bigkasin ng mga kataga
Para tuloy gusto ko na ulit-ulitin
nagmakata na rin.Ganda po ng tula niyo.
Maraming salamat pmonchet.
Salamat sa iyong pagsilip
sa aking munting daigdig.
Harinawa'y muli kang bumalik.
Ay ganun, may kalaliman ang iyon diwa at hindi ko maarok ang mga kahulugan ng mga katagang iyong ginamit. Datapwat masasabi ko na dalubhasa ka sa sining ng mga makata.
Magaling kaibigan
Hatid sa puso ko ay tuwa ng iyong binitiwang talata Rain.
Maraming salamat.
Post a Comment